Wednesday, June 4, 2008

nang minsang mag-landing ang mga UFO sa earth...

Andami na ngang nagbago...nakakamangha, nakakaasar, nakakaaliw, nakakalungkot. Kung gaano karaming yelo na ang natunaw sa north pole at kung ano nga ba ang majority ng mga basurang itinatapon sa dagat ay hindi ko alam, at hinding hindi ko na malalaman pa dahil wala naman talaga akong balak alamin. Kung ilang mangkok na ng kanin na ang nakain ko at ilang sachet na ng shampoo ang naubos ko simula ng huli kong sinabi na, "sana, lumaki na ako. gusto ko nang tumanda!" ay hindi ko alam, at hinding hindi ko na malalaman pa dahil wala naman akong balak alamin. Pero wala akong maiisip na magandang dahilan para hindi balikan ang nakaraan dahil lubhang napakasayang lasap-lasapin at namnamin yung mga pagkakataon na hindi mo na pwedeng balikan in reality, (except kung meron kang time machine at marunong kang um-access sa mga wormhole). Naalala ko yung batang version ko, na uhugin at gusgusin at walang pakialam kung bakit bughaw ang langit, na mahilig maglaro ng kung anu-ano. May mga bagay talaga at pagkakataon na hindi natin maiiwasan pa at kailangan na lang nating tanggapin..., Yung mga dati kong kalaro, at mga kaklase sa grade-school, andami na ring nagbago- may mga nag-drop-out na at ayaw ng pumasok, yung iba naman, nagtrabaho na, may lumisan ng maaga, may naging teenage moomy at daddy, naging adik, delingkwente, nag-abroad, nagpalit ng sexual orientation at may mga tatlo-tatlo na ang friendster account. Ansaya-saya talagang balikan ang nakaraan, lalo na yung panahon ng ating kamusmusan kung kelan punung-puno tayo ng mga ambisyon, at ang gustung-gusto lang nating gawin ay mag-hagaran upo maghapon, hanggang mag-sawa at mapagod.
May isang guro na nagtanong sa kanyang estudyante, "ano ang gusto mo paglaki mo?" , ang sagot naman ng estudyante, "Teacher po!" "Bakit?" tanong ng guro. "kasi gusto ko pong gamutin yung lola ko na may amoebiasis."

No comments: