Monday, June 9, 2008

a break-up story

(Habang kumakain tayo sa paborito nating student canteen, may isang pulutong ng naghuhuramentadong langaw ang nagsidapuan sa ulam na ating pinagsasaluhan)

Ano ba yan, nakakaasar! Bakit ba andaming langaw ngayon!!

Tanga ka ba? panahon kaya ng mangga!!

Eh, ano kinalaman nun sa pagdami nila? Anong sense?

Ewan ko, basta kapag maraming langaw, panahon na ng mangga!

Ah, ganun ba..Hmmm...saan nga bang probinsya yung maraming mangga?

Sa Bukidnon yun. Tanga ka talaga, yun lang, di mo alam...

Sorry ha! I'm not imperfect kasi eh!!!

Tanga, so you mean you are perfect?? Mali-mali pa grammar mo! Umayos ka nga!!!

Bakit, anung mali sa sinabi ko??

Two negatives make a positive! tanga! Parang Math din yan!

Ano?

Ewan ko sa 'yo, basta isa lang ang sigurado ko..tanga ka talaga!!

Ansakit mo namang magsalita..

Hindi kasi ako tangang tulad mo..ewan ko ba kung bakit naging tayo, ako matalino...ikaw tanga...

Bakit ba parati kang ganyan, lagi mo na lang akong inaaway. Kung ayaw mo na sa akin, edi mag-split na lang tayo.

Hoy, kung magsalita ka parang ako yung patay na patay sa 'yo dati, ha!! Sino ba yung mukhang tanga na buntot ng buntot sa akin dati, na ayaw akong tantanan at napakakulit na hingi ng hingi ng cellphone number kahit maling number naman yung binibigay ko, at sobrang obsessed sa akin pati hanggang bahay eh sinusundan ako?

Ano 'to, sumbatan?! Oh, eh sino naman dyan yung akala mo eh may Swiss Bank account sa akin na halos lahat ng gusto nyang bilhin eh binibili ko kahit maubos na ang allowance ko na pang-isang buwan? Na halos magkanda-pili-pilipit na yung katawan sa katuturo ng mga bagay na maganda sa paningin na gustong mapasakanya, at ngangalngal kapag di ko na mabili???

Eh sino naman yung tanga na nagpapatulong sa akin sa thesis work nya, sinu yung tangang yun na subject-verb agreement lang eh halos isang buwan bago nya matutunan, at sinu yung tangang yun na hindi alam ang Newton's Law of Action Reaction at Law of Diminishing Returns??

Kung magsalita ka, akala mo nag-uumapaw ka sa katalinuhan! Eh, sino naman yung tangang nahuli ng pulis na nakikipag-anuhan doon sa dati nyang boyfriend na de-sasakyan sa isang public parking?? At ikinalat pa nga sa internet yung mga pics nila, sobrang nakakahiya!!

Hoy, lalaking tanga. Bawiin mo yang mga sinasabi mo...Kung gusto mong makipaghiwalay, Ok fine! Kung sa tingin mong maghahanap pa ako ng katulad mo, pwes, you are totally mistaken! Hindi bagay ang isang tulad ko na mentally at physically fit sa isang sociopathic misfit na tulad mo!!!

Ha! Komedyante ka pala eh, ang galing mong magpatawa! At sa tingin mo naman, maghahanap rin ako ng katulad mo?? Get lost!

BLAGGG!!!!

(Isang malaking shoulder bag ang tumama sa aking mukha, at ng pag-lingon ko ay naglaho ka na...Habang pinagpipyestahan naman ng buong lugod ng mga langaw ang ulam na kanina lamang ay masaya nating pinagsasaluhan)

No comments: