Wednesday, May 7, 2008

ang lakas mo sa globe (?)


Nandito na ang pinaka-bagong (in a layman's term, hindi pa bilasa) serbisyo ng nakakaburaot na Globe Telecoms, ang ETXT20. So, ano ang pinagkaiba nito sa ibang serbisyo na available pa rin sa mga subscriber? wala lang, dahil mahigpit parin ang competition nila sa Smart and Sun, pakapalan na ng mukha para lang matuwa ang mga consumers (kahit in fact, napapakunot ang noo dahil hindi na nila makayanan ang pseudo-inflation at peso depreciation) at para masabi lang na, uy may bago!!. Sabi ng iba kong kakilala, kapag naka-Globe ka, mayaman ka! (hindi ko alam kung matatawag ba iyong compliment, ewan) pero natutuwa naman ako dahil halos medyo(hindi naman lahat) ng kakilala ko eh naka-Globe, kaya hindi ko ma-i-give-up ang sim ko and switch to other reasonable, pocket-friendly service...Dahil hindi catchy at hindi nakakatuwa (para sa akin) ang ibang services ng Globe, ay isinasantabi ko na lang ang mga potential nila (kung meron man) tulad ng sa Sulitxt na kailangan mo pang mag-aksaya ng piso para lang malaman kung ilan na lang ang balance mo...sa aking palagay, dahil panget na at napaka -impertinente na ng marketing ng Globe at sabihin na nating dahil sa kanilang avaricious greed (tautology? hehe), I can foresee na maybe ten years from now ay masasapawan na ang paramount prestige ng Globe na dulot naman talaga ng kanilang mga loyal subscribers, at masusungkit ito ng mga rival companies na hanggang ngayon ay medyo nakadikit pa sa lupa ang mga paa...

PS. alam nio ba pwede kayong mag-unli kahit wala kayong balance na natira, o di kaya 50 cents na lang ang regular load nio? (basta may certain amount ka pa rin na gustong i-unli..e.g. 20, 40, 80) ganyan ka-buwaya ang Globe...

No comments: