Sunday, August 24, 2008

depresyon

aagh....mag-isa lang ako sa bahay ngayon, mag-dadalawang araw na...nakaka-depress, sobra. wala akong makausap kung hindi ang aking sarili at ang tatlong aso namin....kung anu-ano na ang naiisip ko, at kung anu-ano na rin ang naririnig ko...may mga hindi mo mawaring tunog at kung anu-ano, at kung sa multo nga yon, wala namang may lakas ng loob magpakita. mahirap pa lang mag-isa, pero masaya din naman...tahimik ang kapaligiran at puede ka pang mag-contemplate sa mga nangyayari (yun eh kung may oras pa ako). Walang maingay, walang sumisigaw, walang nang-uutos, pag-mamayari ko ang buong bahay namin. madaming pagkain sa ref, solo ko ang computer sa buong magdamag, puede akong lumabas-masok ng bahay namin. Ngayon lang siguro ito, maya-maya lang, iingay na ulit, hindi ko na magagamit ang computer, kailangan ko nang matulog ng maaga, at mauubos na ang pagkain sa ref. medyo sayang din ang ibang oras ko kasi andami ko pang mga bagay na ginagawa na wala namang katuturan. mahirap talagang mag-isa. pero siguro bukas, hindi na...

1 comment:

Anonymous said...

Pengeng chocolate!