Marami ang nagulat, nagtaka at napataas ang kilay ng halos maging pula ang tubig sa estero de balete ng mga tanghali ng Huwebes ng nakaraang linggo. Sabi ng mga estudyanteng dumadaan, baka daw may menstruation yung estero, sabi naman ng ibang estudyante algal bloom daw, kaya red tide, at yung iba naman inisip na lang na siguro may kung sinong tanga na nagisip na magiging pula ba yung tubig kapag tinapunan ng pulang pintura? Ako naman, inisip ko lang na sign na yun ng doomsday. Mga kalahating minuto ang lumipas at bumagsak ang napakalakas na ulan at hindi na natuloy ang aming buong klase sa pagpunta sa Payatas- kaya ayun at wala kaming nagawa kundi maghintay na lang na tumila ang ulan. Nang mga bandang hapon na, may narinig akong estudyante na nagsabi, "Ano ba yan, kako ba i-suspend na nila yung klase,yung ibang school kaya wala nang klase." "Tanga ka ba, hindi sinususpend ng maaga ang klase dito, hinihintay pa nilang maubos yung pagkain sa canteen," sagot naman sa kanya ng kasama nya. Medyo malayo na sila kaya hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi nila. Medyo dumidilim na at malakas pa rin ang ulan, at hindi na makauwi ang ibang mga estudyante. May mga bali-balita na hanggang tuhod na raw ang taas ng tubig sa may Kalaw, Taft, Ayala Blvd at SM Manila, at marami nang na-stranded. Mahaba na rin daw ang pila sa LRT. Ha! Sabi ko na nga ba't malapit na ang katapusan ng mundo. Dahil walang magawa ay naisip ko na pumunta ng main library nang makasalubong ko ang isa kong kaklase. "Uy, nag-aral ka na ba? May prelim exam pa tayo bukas sa Strength of Materials," bigla nyang bungad sa akin. "Oo nga pala, ano. Sige, punta muna akong lib at mag-aaral pa ako," sumagot ako ng may halong pagka-dismaya. Habang nagpatuloy ako sa paglalakad ay hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga. Napakagaling ko talaga at tama ang kutob ko, doomsday na nga bukas.
No comments:
Post a Comment