Wednesday, June 10, 2009

Nang Binosohan ko ang Mundo Nila


Ang sarap pala maging bossing, kahit saglitan lang. Kapag binigyan ka na ng oportunidad na umupo sa dakilang office chair (ang pinakamatayog sa lahat), wala ka nang ibang papangarapin pa kung hindi ma-glue ang pwet mo sa kalambutan nito. Gagawin mong tomba-tomba ang leather na upuan, dede-kwatro ka at kukuyakoy, itataas-baba ang lever, at iikot-ikot ito na parang carousel. Sa harap mo naman ay nakatambad ang isang computer monitor na widescreen ang aspect ratio, nakakalula ito, pero sanayan lang. Fit for a king, ika nga.

Pwede kang manood ng hardcore porn na life-size dito, pero sa bahay mo gagawin yun, dahil ikaw nga ang bossing, disente ka dapat. Kapag trip mo naman, puede mong utusan yung mga subordinate mo na ipagtimpla ka ng kapeng walang asukal, o ibili ka ng Coke Zero sa Mini-Stop. Mag-a-abot ka lang ng malutong na paper bill habang sumisipol at tatapik-tapikin mo ang armrest ng iyong 'seat of authority.' Maangas di ba? Pero may mas maangas pa dyan. Ikaw, bilang bossing, ang kinatawan ng kampanya mo at ikaw ang haharap at mambo-bola sa mga kliyente. Ang mga tauhan mo naman ang sasagot ng telepono at magbu-bukas ng pintuan kapag may bisita. Sila ang magko-compute kung magkano ang total expenditure ng inyong kumpanya sa mga nagdaang buwan; ikaw naman ay hihikab lang ng malaki habang pupungay-pungay ang mga mata. Ikaw ang utak, sila naman ang kamay. Kung baga sa pelikula, ikaw ang bida, at mga sidekick lang sila.

Hindi lang masarap maging bossing, masaya din pala. Bilang bossing madiskarte ka dapat, madaling mag-isip, may presence of mind at may katangian ng isang competent na pinuno. Hindi ka magiging bossing kung pagtunganga lang ang skill mo, ang pagba-browse ng mga sexy picture ni Ariani Nogueira ang inaatupag mo, at pagfe-Facebook at sumagot ng quiz ang agenda mo sa office hours. Kung ganito ka, wala kang karapatang umapak sa hallowed grounds ng isang opisina; mas bagay kang mamitas ng mga talbos sa kangkungan.

Ang sarap pala maging bossing. Dahil narating mo ang isang tuktok na sinimulan mong akyatin galing sa baba. Bossing ka, hindi dahil pinalad ka, kung hindi dahil naunahan mo ang mga subordinates mo sa isang uphill climb, dahil mapangahas ka at malakas ang stamina mo na lampasan ang mga pagsubok. Pustahan, wala ka sa posisyon mong yan ngayon kung wala kang direksyon sa buhay, magulo man ito pero hawak mo pa rin ang manibela. Dahil hindi ka nakaupo sa napakalambot na office chair kung wala kang commitment sa trabaho mo. At dahil hindi ka ngayon naka-titig sa nakakaliyong monitor kung hindi ka nag-pursige, nag-tiyaga at minsan ay nag-ilusyon na magiging bossing ka rin.

Tuesday, June 9, 2009

Inspiration

It is a gut instinct to stoop down at the sight of a beautiful object or a formidable piece of art that triggers and evokes chaste emotional admiration. But to weep at them is more sublime than to kneel in astonishment. To appreciate aesthetics in its raw and final form is nothing compared to dissecting the materialization of a form starting from random whims and concepts up to its making. Creating an art out of nothing is the climax. Having a productive input is the anticlimax. From an outright vacuum sprouts horror vacui, a chaos blooms into order and unity, and a vast array of beautiful form and shape pandering to man’s every senses is admittedly the corollary. We see magnum opuses of all sorts every day, we pass across them, step on them, touch them, but some people’s appreciation is threateningly low. Those who overlook have little or no sense of harmony at all. The minority who appreciate are those who build, improve and keep each and every type, kind and form of art. Those who destroy have no sense of harmony; they have incongruent minds that signify disorder. Nature, the mother of all art, must be revered and respected. Being the highest form of art and the unanimous apotheosis of beauty, it lends form to many facets of man’s way of life and way of thinking. So the next time you see a marvellous creation, it is not necessary for you to kneel and fake a baby cry, just breathe deeply, relax, and let the Muses do take control.

Wednesday, June 3, 2009

Kingpin

If I were a kingpin, then you were a cog. Guilt of insignificance may attack anyone unawares, but it still can be remedied. If you find yourself a waste of space, a particle of dust that always end up stuck on allergic nostrils, then your days are now numbered. Finding your niche in this world is not that easy, but learning to adapt to every situation will surely make a big difference.